logo

Pak! Ganern Pagmamaganda at D’ Xpert Salon and Spa

 

 

Sabi nila buhok ang sandata ng mga ategurls lalo na kapag may pinagdadaanan. Kung meron man akong regrets in life teh, yun na siguro yung nagpa-short hair ako dahil sa breakup dati kumusta kayo mga bessss NAWALA YUNG GANDA KO. OO MERON BAKET. Feeling ko kasi ikaka-fierce ko yung short hair effect ko parang “KAWALAN MO AKO ANG GANDA KO NA NGAYON.” Tapos wala nagmukha lang akong fish. Chaaarrr! Hahaha!

Pero sabi ulit nila, wala naman daw talagang regrets just lessons learned. BAKIT PURO SABI NILA WALA BA AKONG ORIGINALITY CHOZ. At bilang natuto na ako at narealize na hindi ko ikakaganda ang short hair, hinintay ko talagang pahabain siya tapos rumampa na ulit tayo baks! Sugod ako sa D ‘Xpert Salon and Spa for a Brazilian Blowout Treatment baby!

 

 

With the very pak ganern sa ganda Madam K. Chaarr lang hindi pala ako yung maganda! Hahaha! With the owner, Miss Jen!

With the very pak ganern sa ganda Madam K. Chaarr lang hindi pala ako yung maganda! Hahaha! With the very beautiful owner, Miss Jen!

 

 

Bago ang mega transformation natin ate gurl NAGING CROCODILE RAW PALA AKO SA TREATMENT CHOZ LANG HAHAHA ipasyal ko muna kayo sa D ‘Xpert Salon and Spa! Teh, saan ka nakakita ng libreng pasyal? Dito lang yan sa blog! SABI NA EH TIPID TALAGA AKONG KADATE. CHAR.

 

 

Nainlove ako sa kikay fenk beh! #SaKulayNaLangNagmahal

Nainlove ako sa kikay fenk beh! #SaKulayNaLangNagmahal

 

 

O, upuan pa lang nakaka-baklang prinsesa na agad!!!! WAPAK! #PrinsesaNaSanaSabayWAPAK

 

 

Hala si koyaaaa nag-enjoy sa fenk!!! #AlamNa HAHAHA JOKE LANG WORLD HELLO ALDOUS!!!!

 

 

Gusto ko siyang nakawin tapos ilagay ko lang sa kwarto ko teh!!! PAANO KO KAYA BUBUHATIN TO PALABAS CHAR LANG HAHAHA

 

 

Meron din silang massage services ategurl! KAPAG PAGOD KA NA RAW SA KAKAHABOL SA PAG-IBIG PAMASAHE KA MUNA BEH

 

 

Tapos na yung pasyal part ategurl! Tapos na rin yung blog ko. Tulog na tayo? Chozzz lang WALA PA AKONG SELFIE KAYA HINDI PA TAPOS TO HAHAHA

 

 

ANSABE NIYO SA PERLAS NG SILANGAN KO GURLS NINAKAW KO LANG YAN SA VASE #HoyPinagpaalamKoYanKuninChar #PeroTotooYungGalingSaVaseHAHAHA

 

 

Ulitin ko lang bakla na Brazilian Blowout yung pina-try sa akin dito! Inulit talaga? Baka nalimutan mo na agad eh. MAY IBA KASING MADALING MAKALIMOT PARANG WALANG PINAGSAMAHAN PARANG HINDI NAGMAHALAN CHOZ. Baka wedding naman daw yung susunod na ipasubok sa akin beh. AKO YUNG WEDDING PLANNER. #AkalaMoBrideKaNaHa

 

 

BEFORE:

HOY AMBAIT NG MUKHA KO DITO AMININ MO GURL HAHAHA #YanAngMukhangMinamahal #MabaitTingnan #KayaTingnanMoNaLang HAHAHHA

 

 

AFTER:

PARANG BUNTOT NG KABAYO LANG WAG KA

 

 

 

BEFORE:

Hello raw kayo kay ateng nagtetext sa gilid! NAKO ATE PAPAASAHIN KA LANG NIYAN #AngPaitNgBuhokKo #LasangHindiMakaMoveOnChoz

 

 

AFTER:

Gusto ko lang talagang iyabang dito na mahaba po yung eyelashes ko hahahaha #BlogKoTo

 

 

 

BEFORE:

Di makabasag-pinggan yung isa oh!!! #ParangTotoo

 

AFTER:

Nabasag yung pinggan sa ganda ng hair koooooo sabeeehhhh hahahaha

 

 

Ang pinagkaiba ng Brazilian Blowout sa Rebonding girl, yung Brazilian kasi galing Brazil. CHAR ANO RAW HAHAHAHAHA Yung totoo, treatment lang siya atebeh hindi talaga straightening effect gaya ng Rebond.

So kung kulot ka baks, mag-behave lang yung waves mo pero hindi yan didiretso okay. IPA-BRAZILIAN ANG MGA LABLAYP NA MANLOLOKO PARA MAG-BEHAVE CHAR

Pero winner siya for all types ng hair, mapa-wavy, straight, kahit coloured or treated hair baks! Magiging soft and smooth siya. Parang pusong lumalambot lang kapag naaalala siya. <3

 

 

Meron din silang ganitong ganap gurls para mas tumagal yung effect sa hair! Available siya sa D Xpert Salon!

 

 

Bilang hindi pa ako nakuntento, syempre nagpa-mani pedi na rin si Madam! Maraming time kapag single teh! Wag kayong ano, hindi ako busy masyadow!!! PAK!

 

 

Dibaaaaa I belong hereeee!!! Kahit paa ko fenk! Lahat ng gamit nila fenk! Nakakalokaaa!!!

 

 

When it comes to service naman beh, sobrang winner din dito! Aasikasuhin ka talaga tapos very approachable sila sa needs mo. Asawa lang hindi nila naibigay sa akin mga bessss. ASAWA TALAGA HINDI MAN LANG DUMAAN SA KA-MOMOL EH.

 

 

May pa-pizza party riiinnnnn silaaaa!!! KELANGAN KONG PICTURAN TEH LIBRE HAHAHAHA

 

 

Final Ratings baby!!!!

 

 

Ambiance – 3/5

Kapag fenk, automatic keriboom na yan! Chaaar! Hahaha! Yung feel niya gurl hindi yung makakatulog ka na kind of relaxation ha. Parang maganda dito kapag with friends kayo tapos daldalan na masayang ganap! Ganyaaan! Very alive!!! (Update: Ngayon naging Hello Kitty na yung theme ng salon kaya 5/5 na ang ambiance effect nila for me!!!)

 

Staff – 4/5

Pwedeng gawing best friends sila ate at kuya teh! Chozzz! Very accommodating sila especially si Ms. Jen! Pak na pak na pak, baka tubuan na tayo ng pakpak!!!

 

Price – 6/5

Pak na pak yung price beh! Affordable!!! Marami rin sila nilalabas na packages na inavail mo na ata buong salon pero keri pa rin ng bulsa, may sukli ka pa! Kesa sa kalandian ginagastos bakla, baka iwan ka pa niyan. Dun na lang sa ikakaganda mo pa! Char! Abang-abang sa promo mga bakla, maya’t maya meron! PROMO ANG ABANGAN ‘WAG NA SI MR. RIGHT!!!

As of July 2016, ito ang pasabog:

 

TEH DITO KA MAGPUNTA PARA BALIK GANDA KA AFTER MASTRESS SA PAG-IBIG NA HINDI NAKUHA PAK!!!!

 

 

Service – 4/5

At first inisip ko na since mura yung rates nila compared sa ibang salon, baka waepek lang yung treatment girl. Yung tipong paggising ko kinabukasan parang walang nangyare. Parang status lang natin beh, walang nangyayare. Di man lang naglevel-up sa mag-jowa! Char. Pero  infer, tumagal din talaga siya nang ilang buwan kaya winnur! #ButiPaTreatmentTumatagal

 

Location – 2/5

Medyo struggle lang mahanap yung location nung una beh bilang hindi rin ako taga-Makati kung saan yung branch nila. Pero makati ako. HALA SIYA ANO RAW. Challenging lang din sa parking kung magdadala kayo ng car beh PERO PAHATID KAYO SA LABLAYP TAPOS BASTA DRIVER BEST LOVER PEG KAYO. Worth it naman dayuhin ang salon baks! Kering-keri!

 

 

BUHOK BA TALAGA PINAPAKITA O BALIKAT ATE BEH #BakaYungNinakawNaPerlasPala

 

 

UPDATE:

 

Late post kasi ito beh at may bagong ganap na at D ‘Xpert ngayon! Super cuteeeeeee Hello Kitty effect na baklaaaa!!!! Huhuhu. Naiyak ako sa ganda. Same feels gurl kapag tumitingin din ako sa salamin, naiiyak ako sa ganda ng nakikita ko. Chozzzz!

 

 

*Photo from D ‘Xpert Salon and Spa

 

TEH MAY LABABO NA NAKAKALOKA PWEDE NA AKONG MAKILIGO SABEEEHHH HAHAHHA

 

 

Thank you D ‘Xpert Salon and Spa and Aldous for inviting me! Naging prinsesa ako for a day! Sarap i-date ng sarili ko beh! #ILabMyself #DoYouLoveMeMadamK #YesIDo

 

 

Ang mga nagpaganda sa akin and D 'Xpert Salon owner, Ms. Jen! <3

Ang mga nagpaganda sa akin and D ‘Xpert Salon owner, Ms. Jen! <3

 

 

Inviting lahat ng mga beks na gustong magmaganda at magmahal at mas magmaganda pa, may bonggang pasabog ang D ‘Xpert Salon for you! Takbo ka na beh, malapit nang sumabog to. Choooozzz!

 

 

13557827_1068168023262605_7202460073942066535_n

 

 

 

D ‘XPERT SALON & SPA

(02) 752 2339

#243 JP Rizal Avenue St., Cor. Pasong Tirad St., Brgy. Tejeros, Makati City

Instagram: @dxpertsalonspa

Mon – Sun 9AM to 9PM

 

 



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *