logo

Kikay Review: Make Me Blush Nail Spa & Beauty Lounge

 

 

Ang ganda ganda ko talaga. UMPISA PA LANG DAPAT MAGSABI NA TAYO NG TOTOO ATE GURL DIBA CHAR HAHAHA #SinoNagsabingTotooYanBes #YungSalaminKo #LoveYourOwn #ILoveYouMadamK #LoveYouTooChoz

Usapang pagmamaganda tayo ngayon baks! Parang lagi naman tayong nagmamaganda GANON TALAGA KAPAG SINGLE MARAMING TIME MAG-AYOS HINDI PURO LAPLAP ALAM #Bitter2016 #NakaMoveOnNaPalaAko #LapLapMyself

SO ANYWAY ANONG GANAP HAHAHA Pagandahin at gawin daw akong prinsesa for a day sabi ng Make Me Blush Nail Spa & Beauty Lounge! Pakkakkkk! Kaya share ako ng experience ko beh kung may kinaganda ba talaga ako o nag-aksaya lang sila ng oras sa akin. Chaaarrr!

 

 

KUKUHAAN NA LANG NG PHOTO YUNG LUGAR KELANGAN BA KASAMA KA PA ATENG

 

 

So reaadddyy na ako bakssss! Gustong-gusto ko talaga yung mga #MeTime na ganyan eh! Sobrang inlove ko na sarili ko teh naeenjoy ko na maging mag-isa everyday! Char! Pag nagka-jowa ako, sa salon din kami magdedate! Maglinisan kami ng kuko! Pak!

 

 

NAIYAK AKO KULAY PA LANG NAKAKABAKLA NA WEAKNESS NATIN YAN GURL #PaanoKoKayaMananakawYungUpuanChoz

 

 

So, bago ang paganda syempre i-tour ko muna kayo mga bebeloves! Para kunware magkakasama tayo! Kunware hindi ako single. Sabbeeehhh! Hahaha!

 

 

YUNG TOTOO YUNG UPUAN TALAGA YUNG PRINSESA HINDI AKO EH #SanaUpuanNaLangAko #PeroSanaMahalinMoNaLangPalaAkoHihi

 

 

Sobrang love na love ko yung feel niya mars! Very colorful parang yung puso ko lang na binigyan mo ng kulay <3

Masarap magbitbit ng mga baklang friends dito!!! Pangyabang sa Instagram! Chooozz! Hahaha! PERO WAG TAYO MASYADONG MAINGAY DITO TEH KUNWARE SOSYAL TAYO BULUNGAN LANG SABAY TAKIP NG PAMAYPAY KAPAG TATAWA OKAY

 

 

#PatiYungPintoNilaGustoKoNaRinNakawin #UyyyMayTVRin HOY CHAR LANG DISENTE PO AKO HAHAHAHA

 

 

After natin mamasyal, game na sa pagmamaganda! Avail natin yung Manicure, Pedicure and Foot Spa baby!!! May kasama rin daw pagmamahal at boylet yung package! TEH KAHIT ARAW-ARAW NA AKO DITO KUNG GANON PALA

 

 

Pati sila ate very bakla!!! Feeling may photoshoot eh bakit ba world masaya kaya kami #WalangTumututolTehBatKaGalit

 

 

Diba mars sa una mukha pa silang masaya sa ginagawa nila…. Di nila alam mahirap akong pagandahin. Kelangan pagtrabahuhan! Baka mag-resign na sila! Hahaha!

 

 

Feeling ko gusto na isumpa ni ate yung paa ko. Charrr! Hahaha! Kalyo Queen!!!!

 

 

Dahil hindi na ata kinaya ng beauty ni ate yung powers niyang pagandahin ako, dalawa na sila bakla!!! Magic na raw kailangan para sa mga kuko ko girl! Hahahaha! KAILANGANG GUMANDA PAA KAMAY KO PARA MASARAP I-HOLDING HANDS SOMEDAY HIHI #HoldingHandsPatiPaa #HandsNgaEh #PinanindiganKoTalagaHindiKoNaLangDawIneditYungTinaypeKo

 

 

Dinadasalan na ata nila ate! Mamaya may alay na rin sila! #KultoNgKuko

 

 

When it comes to service ategurls, infer sobrang winner!!! I-entertain ka nila talaga, may kasama pang comedy bar! Sobrang tawang-tawa ako kila ate! Nawala lahat ng problema ko! Akala ko siya lang mawawala eh. Pati pala problema kayang mawala! Chaaaarrr!

 

 

Wala lang, tuwang-tuwa lang ako sa unan kaya kailangan kong i-share beh! Hahaha! #OhIhaBakaNakawinMoRinYanHa

 

 

Bago ang lahat pili muna tayo ng nail polish! Usually pink or red lang talaga ako beks! Pero kapag sosyalin yung polish natin, go ako sa mga gold or glittery effect! PARA KUNWARE YAYAMANIN TAYO PWEDE ISANGLA YUNG KAMAY KAPAG NANGAILANGAN NG PANG-DATE NUOD NG SINE GANERN

 

 

NAINLOVE AKO LAHAT GUSTO KO!!! PLANO KO SANA KADA ISANG KUKO TATLONG KULAY NA LANG EH HAHAHAHA

 

 

Alam kong gusto mo nang makita yung kinaganda ng paa at kamay ko friend! Parang ako lang naman may gusto talaga hindi ikaw. Hahaha! GUSTO MO RIN BA MAAMOY CHOZZZZ

 

 

AMININ MO MARS NAKAKA-SWEET SIXTEEN!!!

 

 

Maganda na po kamay ko, waiting na lang sa hahawak sa akin. Hihi. Gusto ko lang paringgan yung mapapangasawa ko, sana ipa-manicure mo muna ako bago ka magsuot ng singsing para maganda sa picture. Ready to yabang sa world na may nagpaloko na rin sa akin sa wakas!!! #ParangWalaNamanPalaAkongPinaparinggan

 

 

MAY PHOTOSHOOT NGA KAMI BAKIT HAHAHA SOBRANG LOVE KO SILA ATEEEEE GAME NA GAME SA LAHAT

 

 

May paniniwala akong kahit gaano kaganda yung product o ka-sosyal yung establishment NAKS SA ESTABLISHMENT TEH, kung hindi winner ang service sa customers wala girl balewala lang lahat. Kaya very happy yung experience ko with Make Me Blush kasi asikasong-prinsesa talaga binigay nila sa akin friend!

Wala akong marereklamo! Pinayagan pa nga nila akong tumambay mga ilang oras after ng service ko. Chozzz! Hahaha! #KapalPalaNgMukha #NagpalinisLangNgKukoKalaNiyaSiyaNaMayAri #ButiNgaNahiyaPaAkongMakitulog

 

 

BEH NAKITA MO YUNG FRENCH MANICURE? BAKA MERON DIN FRENCH KISS HIHIHI #FrenchFriesLangDawGurl

 

 

Marami rin silang ganap! Parang lahat nandito na! PWEDE BANG ITO NA LANG JOWAIN KO HAHAHA #WalaKaNangHahanapinPa

 

 

Ansabeeee ng may Hair Services pa ang mga bakla!!! Try ko nga pakalbo tapos parebond ako ng bangs!!!! #ParebondKoRinKilayKo

 

 

Pakita ko na rin sa inyo kung saan ganap ng ibang services nila mars! Bahay ko to eh, feel na feel lumakwatsa? Maka-tour??!!! Hahaha!

 

 

Gusto ko rin ng ganto sa bahay ko friend!!!! Sabeeehhh ng may sariling saloooonnn! Pakakkkkk!!!

 

 

May gusto akong i-share bakla! Alam mo bang hindi ako marunong magputol ng kuko? Pati mag-ayos ng kilay! Pati na rin mag-blower ng buhok! EH ANO NA LANG KAYA ALAM MONG GAWIN GURL.

Lagi akong nagpupunta sa salon para sa mga ganyang ganaps! Maarte lang pala si ate pero shunga-shungahan maglinis ng katawan! BIGYAN NG BOYPREN #BoyprenNaTagaPutolNgKuko Kaya sobrang winner sa akin yung salon na andun na lahat ng pwede mong ipagawa! Kulang na lang dito na rin magpakasal!

 

 

Yung tingin ni ate sa akin parang may gagawin akong masama sa salon nila eh. HINDI BA AKO MUKHANG KATIWATIWALA HUHU

 

 

Rate ko yung Make Me Blush Salon ng 6/5!!! Sobrang pak na pak siya sa akin walang halong joke girl! Minsan lang kaya ako magseryoso ano ba! Pero don’t worry mylabs, seryoso ako sayo. Hihi <3

 

 

Sobrang happy at funny nila ate girls!!! Mahal ko na sila!!!!

 

 

Isa sa mga nagustuhan ko sa paganda day ko dito yung culture ng staff nila friend. HANEP SA CULTURE. Parang ikaw at ako lang…. FUTURE PALA YUN HIHIHI.

Minsan sumasayaw at kanta rin sila ate! HINDI KO LANG NAVIDEOHAN HAHAHA Tapos nakikipagkwentuhan din sila about love and life! At kahit anong struggles in life, sobrang fight na fight lang sila! Gumanda ka na, nainspire ka pa! Pakakkkk! MALAPIT KO NA TONG ISULAT SA MMK CHAR

 

 

Diba hanggang pagbabye ko sila ate girls very happy pa rin! Ayaw paawat!!!!

 

 

Kung gusto niyo mag-buhay prinsesa for a day o kaya mag-sparty dahil wala kayong mapagtapunan ng pera niyo choz o sa kung ano pa man trip niyong pagmamaganda in life, hayyyy na hayyyy kayo at Make Me Blush Nail Spa & Beauty Lounge!!!

 

 

Umpisahan at tapusin natin to sa mukha ko friend. Para mula simula hanggang dulo gumanda araw mo. Chooozzzzz!

 

 

Infer girl, after 2 weeks alive na alive pa rin yung polish ko ha. Hindi nasisira! SANA POLISH NA LANG ANG LABLAYP PAKAK!!! Usually kasi good for a day lang ang nail polish sa akin bilang barubal akong bata. Chooozzzz! Hahaha! Win na wiiiinnnnn!!!

 

 

Make Me Blush Nail Spa & Beauty Lounge

3F Hemady Square E. Rodriguez Ave. Quezon City

(02) 234-9529

Facebook Page

Instagram: @makemeblushnailspa

 

 



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *